TIME CHECK

9:20pm

siguro mga 30 minutes na lang bago ako dalawin ng antok. oo, ang probinsiyana talaga ng bedtime ko. o siguro may mas malalim na dahilan kung bakit gustong-gusto ng pagal kong katawang lupa ang tulog.

shet, anobayun.

howell, hindi ko alam kung bakit nalingilan kong magdownload ng wordpress app dito sa telepono ko. o alam ko talaga pero mas pinili kong mag-antay na lang ng antok kesa maghurumentado ako at magtatakbo ng hubo’t hubad sa kalsada. juklang. siyempre matutulog na lang din ako kaysa gawin ‘yun.

as usual ang labo ko na naman. a ewan.

gusto ko lang siguro talaga magblog. gumawa ng entry kahit na ganito kalabo.

sorry mga beh.

My Week(S) that was #10

Kamangha-manghang ang konti lang ng nagyari sa buhay ko sa nagdaang dalawa at kalahating buwan.

  • Ang taba ko na, leche!
  • Books read since July: 0
  • Movies watched (in theaters) since July: 0
  • Current obsession: Sam Smith’s music (still).
  • Busy with: TV Series
  • Nakailang paglalandi na ‘yung pusa namin at malapit na ulit manganak.

Oh my gaahhhd! I need a life!

Some My Week That Was Parelevant Reactions:

  • Andaming bagyong nagdaan pero sa November 28 pa matatapos ang Please Be Careful with My Heart.
  • Nakailang paglalandi na ‘yung pusa namin at malapit na ulit manganak pero makakapaglandi na ulit siya at mabubuntis dahil sa November 28 pa matatapos ang Please Be Careful with My Heart.

 

33-34/34: GLENDA THE CONTRABIDA

Oeganun na nga ang nangyari sinira ni Glenda ang project-challenge para sa birthday ko at #huhubels talaga. Wala na akong magagawa. Pero dapat tapusin ko ito dahil sabi nga nila quitters never win. Anodaw?

 

33: HABANG ANG IBA AY NAWALAN NG BUBONG

Sa lugawan noong pansamantalang tumahimik si Glenda:

Beki 1: Tangina Beki! Nagpapicture ako sa harap ng tindahan namin kanina para ipost ko sa facebook. Pero wala naman nasira sa tindahan namin ha.

Beki 2: Hay naku wala ‘yan sa kapitbahay ko! Tangina natumba lang ‘yung sili nila pinicturan na!

 

34: HAPPY (?) BIRTHDAY TO ME

 happy birthday jojitah :(

Ang malas ko lang ba talaga o biniro ako ng tadhana sa kakadrama ko sa birthday ko? Siguro pareho. Wala naman talaga ako kabalak-balak madepress, ang gusto ko lang kumeri sa araw ng birthday ko. Pero nadepress ako talaga. Binagyo at nawalan ng kuryente at tubig, siyempre ‘pag walang kuryente wala ding internet. At ang higit sa lahat napilayan pa’ko.

Pero ok lang. Ipinagpapasalamat ko na lang na walang nasalanta sa amin ng pamilya ko. Wow diba, parang sagot lang sa beauty pageant. Pero ganun na nga.

O paano, hanggang sa susunod na birthday project-challenge ulit. Salamat sa mga sumubaybay.