year 2: level up!

Posted on October 4th, 2008

Anniversary month nitong dot com ko. Yiheee! Para sa akin dapat talaga sine-celebrate ang mga anniversary chuva chuva na yan. Para ding sa magjowawa, importanteng alalahanin ang panahong ikinadena ninyo ang mgasarili niyo sa isa’t-isa. Parang ganun din sa pagba-blog, ikinadena mo din naman ang iyong self pag nagbablog ka dahil ang blogging hindi lang yan basta blogging. Karir ito na bonggang bongga. Ang magsabing “ay naku blogging lang yan” sasabunutan ko lahat ng hairs niya sa katawan. Naniniwala kasi akong sa pagba-blog mo masasalamin ang karakter ng isang tao. No matter how much they pretend to be want they want to be. Matatalino ang mga readers, malalaman at malalaman nila kung ikaw ay tunay na ginto o gold plated lang.

Iniisip ko kung paano ko gagawing special na parang special siopao ang anniversary nitong dot com ko. Siyempre dapat bihisan, narealize ko na tama na ang pagpapaka-samart-ass at tigilan ko na ang nakakalerky na mga themes. Langya! Hindi lang kaya matris ko ang dinudugo sa mga codestsina galore na yan. Pero magandang learning experience, minsan man lang sa buhay ko nagpeeling webdesigner chuwariwap ako. Maikwento ko man lang sa mga apo ko na minsan ang lola nila ay kinarir ang magazine theme. Echos!

Read the rest of this entry »

Filed under: blog layp, sanblogospheran | 21 Comments »

10

Posted on September 30th, 2008

From now on… 10 is my peborit number! Cute naman diba? Parang yung sipon ng klasmeyt ko nung elementary. Lols! At bakit naman hindi no. 10 will be the number of the decade, century and millennium sabi sa hula. Number 10 ang aahon sa kahirapan ng Pilipinas. Number 10 ang consistent na number na lalabas sa lotto. Number 10 ang magiging pinaka-sowsi na number sa buong kalawakan. At higit sa lahat dahil…

Number 10 aketch sa Project Lafftrip Laffapalooza 2008

Wooothoooot!!!!!

I am officially one of The Philippine’s Next Top Model Top Ten Humor Bloggers. Syet! Ansarap itype, parang pwede na ako hindi kumain ng almusal, tanghalian at hapunan sa sobrang nakakatuwang-nakakabusog na pakiramdam. I am so HAFFY. Spell it with me. C’mon! H-A-F-F-Y. Oh yeah Oh yeah.

Congratulations sa aming lahat na nanalo. Kewlness!

Read the rest of this entry »

Filed under: curler turner | 20 Comments »

this is really is it

Posted on September 28th, 2008

Totoong natagpuan ko na ang lalaking para sa akin. Ang ama ng magiging anak ko. Ang lalaking una kong mamumulatan sa pag-gising ko. Ang lalaking susukuan ko ng Luzon, Visayas at Mindanao. Ang lalaking ipagluluto ko ng pinakamasarap na pritong itlog ever. Ang lalaking mamahalin ko ever ever ever.

Natagpuan ko na siya. This is it really is it! Wala ng pag-aalinlangan pa lalo pa at nag volunteer na siya…

na maging official TAGA BUNOT NG BUHOK SA KILI-KILI KO.

Manong, pinaligaya mo ako ng husto sa pagboboluntaryo mo, hindi na mababali ang leeg ko kakabunot ng mga buhok ko sa kili-kili. I LAB YU SO MATS.

Filed under: curler turner | 22 Comments »

magregla ay di biro

Posted on September 25th, 2008

Isa na siguro sa pinakamasaklap na obligasyon ng babae sa buhay niya ay ang magregla. Nakakatuwa lang naman ang regla pag ayaw mong majuntis. Pero yung proseso ng pagreregla ay hindi cute. Malagkit, mainit, masakit sa katawan at higit sa lahat parusa ang magnapkin ng matagal. Hindi ko nga maintindihan kung anong klaseng makina ang matris naming mga babae. Hindi naman sa kinukwestiyon ko ang pagkakadesign sa amin ni Bosing kaya lang sana naman ay meron ding upgrade ang matris namin lalo na pagdating sa waste disposal ng mga hindi nahinog na egg cells. Pwede namang parang iiihi na lang namin, mga tatlong ihi siguro naman said na yun sa loob ng isang buwan. Mahirap ang buhay ngayon kaya malaking tipid kung hindi na kami gagastos pa sa napkin – sanitary napkin ha, hindi table napkin.

Bukod sa nakaririmarim na pagreregla nandiyan pa ang cramps chuwariwap. Dito ko napatunayan na lahat ng nagdudugo masakit. Alam niyo bang parang ginigiling ang mga matris namin sa mga unang araw ng regla. Kaya wag kayong mag-aarte na parang ang oh-oh-A namin pag tinotopak kami pag may regla. Hindi namin gusting parang pinusunan kami ng limang kargador.

E kumusta naman yung wala pa ang actual regla ay may epal na PMS? Akala niyo ba madali ang nagpi-PMS. Hindi namin gawa-gawa lang mga gels yun para magpa-baby. Sumpa ata ni Sisa ang PMS. Kung pwede lang ito ipa-opera ginawa ko na dahil kung ang iba ay nagiging halimaw pag nagpi-PMS ako nagiging EMO.

Sana dumating ang panahon na ang regla ay maglaho ng walang anumang aberya sa pagdadalang tae tao naming mga babae. Oks na ko dun sa pasanin din namin ang panganganak basta tanggalin lang ang regla cheines na ito. Pakiramdam ko kasi ang pinaka bugbog na parte ng katawan naming mga babae e yung pinagmumulan ng buhay at kaligayahan. Life is so unfair.

Filed under: jojitahness, pagnilay-nilayan | 20 Comments »

walang direksiyon

Posted on September 24th, 2008

Eeeekkkkk!!!! This is an update!!! *kumulog, kumidlat, at nagtsunami*

Hay naku tapos na ang pagluluksa ko sa kung anik-anik. Nairaos ko na ang dapat mairaos at kailangan na magpatuloy ng diva. hindi naman umiinog lang ang mundo sa’kin no at tama na ang mga kung ano-anong ka-chorvahan, ka-chenielloohan at ka-ekeklavuhan. Pero naisip ko ilang beses ko na din nabitawan ang ganitong litanya. Nakakatawa talaga ako paulit-ulit na redundant. who cares.

Back to PR setlog nga pala itong blogtsina ko. Ewan ko ba sa gugel na yan. Bad news yun pero ok lang. Pagkakataon ko na din siguro para iupdate itong blog na ito tungkol sa mga makabuluhang bagay kagaya ng kung paano ko papaslangin ang mga mapanalanta sa diskarteng blogger. Nyahahaha! Isyu. Ching lang yun. I am pro WORLD PEACE kaya nagmamasteral ako sa course na DEADMATOLOGY 101.

Ayoko na magpromise baka makarma na naman ako sa lintek na pangakong hindi ko natutupad, tumibay ang paniniwala ko sa karma mula ng mag-plurk ako. Wahahaha! Langyang update to walang direksiyon parang buhay ko 3 years ago. May ganun? Lols.

Filed under: jojitahness, wala lang | No Comments »

oh digital camera

Posted on September 24th, 2008

I’d been wondering if we will be having our Christmas bonus as early as late November. Lols! I know I am dreaming. But who knows? It might happen. This is all about me buying myself a digital camera. I wanted it so badly that I dream of it every night. Seriously.

I want to jump into photography bandwagon. Lately I realized that I have a thing about photography and I want to try it out and see if I have a talent. Unfortunately all I have is a camera phone. Bummer. I want a digital camera that has 5 mega pixels at the very least.
I am stretching all my resources and start saving since the first quarter of the year but with all this oil price hike, rice shortage and US presidential election my finances are as unstable as the current economy. How I wish I can play poker [I don’t know how] and bag that Poker Bonus. I wish I could win the lottery or bring home the jackpot in deal or no deal. Whatever.

Oh well, I know I will be able to buy that digital camera that I’d been dying to have, for now I will continue to save save save. So help me God. Lols!

Filed under: atik, anda, anju! | 2 Comments »

ewan ko ba

Posted on September 20th, 2008

Dalawang araw ako hindi pumasok at dalawang araw ko lang pinagmasdan ang kagandahan ng blogtsina ko. Oo napansin ko maganda siya wag ka ng kumontra. Maganda siya kasing ganda ko. Malapit na kasi ang anniversary ng dot com na ito at pinipilit kong magemote parang yung napapanood ko sa tv. Ewan ko ba para talagang naging baby ko na itong balaytsina ko.

After almost a year, I’m a one proud mama. Awww… Hindi muna ako magdadrama ngayon reserve ko sa totoong anniversary parang ampangit naman na hindi na naman ako sasakto sayang ang bandwidth.

O siya nag-update lang para naman masabing nag-update. Antamlay ko. Ewan ko ba.

Filed under: jojitahness, wala lang | 4 Comments »

faces bordering to feces

Posted on September 17th, 2008

Isa itong tag na para sa akin ay hindi tag pero ang totoo tag ito – tag na galling kay Malen. Huwag na kayong magtaka kung bakit nasasanay ako na paikot-ikot lang ang sinasabi, kailangan ko ang ganyang style sa mga paid opps. Lololololols!

O heniwey milky way, matagal na rin naman mula nung balahurain ko ang sarili ko kaya tuwang-tuwa aketch sa evolution chorva-chorva na ito ni Malen my dear. Salamat nga pala sa karagdagang kahihiyan sa pagkatao ko. Lols!

Ok tingnan at pagpiyestahan ang kagandahan kong very versatile. lols!

Read the rest of this entry »

Filed under: sanblogospheran, tags | meme | 14 Comments »

doodledoo no. 2

Posted on September 15th, 2008

Noong dumating ka sa buhay ko binago mo ang mundo ko
Nagkakulay ang buhay ng dahil sa’yo
Hindi ako makatulog ng wala ka
Ni hindi kumpleto ang umaga pag hindi ka nakikita
Hindi ko na alam mabuhay ng wala ka sa piling ko

Kahit minsan meron tayong di pagkakaunawan
At mga oras na hindi nagkikibuan
Wala pa ding tatalo sa ating pagtitinginan
Umulan man, bumagyo
Walang makakapagpabago ng pagtingin ko sa’yo

Isa lang ang panalangin ko
Huwag ka sanang matsugi
Dahil wala na akong atik, anda at anju

Read the rest of this entry »

Filed under: doodledoo | 6 Comments »

i want that charm

Posted on September 15th, 2008

So when was the last time that someone convinced you to do one thing that you swore you are not going to do ever? I want to be that “someone”, that kind of person that can convince people effortlessly, whether they are selling disposable briefs or a rusty staple wire. I envy those people who can talk you out on trying things such as online casino style, bungee jumping, eating worms or even jumping off on a bridge. Some call it articulateness, some call it charm and some call it talent. But I believe that it is a pure charm. You can get away on anything if you have that kind charm, at least on my point of view. Successful and rich people have these qualities. I don’t know if that charm comes first or they just turned to be a great charmer after the fame and success.

Oh well, I hope I could have that charm someday. I would trade my millions [in the future] just to have that. Is there a charm school around? Dang! I would enroll myself immediately. I want to be rich. I want to be successful. And I also want to have that ability to charm and convince people with just a blink of my eye. Lols!

Filed under: atik, anda, anju! | No Comments »

Spontaneity is using WP-Gravatar