show me some love November 8, 2007
Tama si kumpareng Gasti na ang ganda ng tan ngayon, na ipinahihiwatig ng kablogs mo ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng TAG. Lubha akong naluha ng maisip kong ang daming nagtag sa akin. Ibig lang sabihin nun madami ang nagmamahal sa abang diva na kagaya ko, echos! Sa mga dating nagmahal [mga nag-tag na sa akin], mahalin ninyo ako ulit. Kahit 100 na TAGS pa yan! Bring it on! Yeah baby!
Sa pagkakataong ito lab ako ni Mylene at Bruhilda. Sa sobrang pagmamahal hinirapan ata nila ang TAG. Ok lang. Sanay ako sa cariƱo brutal.
Umpisahan ko muna sa tag ni Mylene the RHAPSODY, another pito-pito.
SEVEN FAKS PAKS FACTS ABOUT ME
- Mahiyain ako sa totoong buhay. May mga pagkakataong pasmile-smile lang ako sa isang sulok. Minsan kahit batuhin mo ako ng building hindi ako kikibo. Minsan lang kasi hindi ko alam kung paano hihirit sa tao lalo na sa mga bagong kakilala. Kaya mas kumfortable [kumportable/comfortable] ako sa pagbablag kasi ala ko dapat kahiyaan.
- Pangit ang paas ko. Parang sa construction worker.
- Meron akong imaginary friend nung grade 3 ako. Luma na yun? O sige next na.
- Die hard Sheryl-Romnick fan ako nung araw at trip na trip kong sabunutan si Jennifer Sevilla dahil siya ang tinuturing na kaagaw ni Sheryl kay Romnick noon.
- Isa akong naudlot na ballerina. Gusto pa ng buto ko ayaw na ng bulsa ng parents ko.
- Pangarap kong matutong lumangoy ng walang hirap. Paano ko gagawin yun? Ewan ko. Basta parang magic, paggising ko marunong na dapat ako.
- Bukod sa ulila na ako sa ama, ulila na din ako sa kamag-anak sa ama hindi dahil kami ang itinakwil nila dahil sila ang itinakwil namin. Ano istorya? Abangan sa The Buzz!!!!
Eto galing naman kay kafatid kong si Bruhilda.
BEFORE AND AFTER
BEFORE
- Payat ako dati yung tipong kulang na lang mamalimos ako sa kalye para may makain.
- Ako ang pinakamagandang BUM.
- Adik ako sa friendster. Hindi ako makakatulog pag hindi ako nakapagbukas ng account sa loob ng isang araw, siguro kaya ako payat noon kinuha ng friendster ang sustansiya ko sa katawan.
AFTER
- After a couple of years [refer to Before#1] eto na ako at nagpapakamatay mag-diet dahil nag-aaway na ang mga bilbils ko.
- After 8months [refer to Before#2], ako na ang pinakamagandang Office Nuisance.
- After kong pumasok sa WP nabawasan na ang pagka-adik ko sa friendster, nalipat na sa blogging. Kaya naman ata ako tumataba dahil punong-puno ng cholesterol dito sa wordpress.
Gusto niyo pa? Eto pa.
BEFORE

AFTER

WTF?!?!?! WHAT HAPPENED!?!?















hahahah.. ginawa mo na nman akong baliw dito sa office.. tumatawa na naman ako mag-isa… iba ka tlaga..
ganda mo pala dati sis… wtf?! ano ngang nangyari ha? bakit ganun lalo kang…..
GUMANDA!!! naks! o ayan ha wag mo kong babatuhin ng building…
onti lang naman pinagkaiba dun sa dati.. kulot lang ang hair mo before nyahahahah..
Hahaha!!Bwa HAHAHA!! buti nalang walang draGon nakatawa ko ng malayang malaya hahahah!!!!! nakaka tawa ka talaga ateng iba ka talaga… bow talaga ko ka kalorkeyan mo hahah!!
Ang kulit nong #5 naimagine ko nag baballey ka ateng heheh…
# 7 - Hahaha mabuhay ang mga nagtakwil sa kani-kanilang kamag anak..hehehe
Wag ka mag alala kaunti lang naman ang ipinag baGo mo hahaha!!!
Grabe nagkaRoon tuloy ako ng outlet pag nalulungkot ako alam ko na kong saan ako dapat pumunta… Sa blog ni DIVA “jojitah hahahha!!!
(araw araw ko open yan ha hehehe)
P.S
Tsk! tsk Ateng…. kaunting blush on lang maibabaLik mo rin ang daTe hahaha!!!!
mas maganda naman ang after. yeeees.
jojiepie! ang dami pala natin magkapareho. ng alin? abangan na lang sa The Buzz!!! bwhahaha!
[...] jojie - [...]
Ang gulo naman ng buhok mo noong araw Jojie girl! Buti na lang umistraight… Parang nagpa salon…
Ayos! Ballerina pala ang diva dati! Pero sana naman kapag nagkita tayo kibuin mo na ako kapag binato na kita ng building! Para sa effort kong buhatin yun!
kaloka ka talaga sis ang tawa ko dito pigil kasi may nga alipores ng kadiliman sa likod ko. blonde pala ang buhok mo dati, mas ok ngayon straight and black na at maayos yung before para kang hindi nagsuklay.
ilusyonada! pero loves ko pa rin ang pouting lips mo marekoy hehehe
[...] jojie - [...]
WTF ka dyan! Eh maganda pa din naman ang after! Asus!
WTF.. tsk tsk tsk, anong nangyari sa iyo ate jojitah? haha. ^_^ tsk tsk tsk..
ang ganda mo dati, at napakaganda mo pa lalo ngayon. nyahaha. ^_^
pareho tayo, paang pang-construction worker din ito! nyahaha. ^_^
(naisip ko lang, amlaki siguro ng galit ng doktor? peace tayo! napahirit pa eh oh)
nakakarelate din ako sa number 7..
anong meron tayo at napagtagpo-tagpo tayo ng mga kapalaran? haha…
gawa kaya tayo ng asosasyon ng mga anak na galit sa kamag-anak ni ama.. nyahaha. ^_^
yung tag ko, di ko nabasa sagot mo.
andun ata sa bagong bahay mo eh.
You made one sad girl laugh here jojie…salamat ng marami….I heart you na!!!!muahhhugs!
kaloka ka talaga. im dying to mit u tuloy…tignan ko kung mahiyain ka talaga….hehehe… magkamukha pala tayo dati jojie…nyahahaha