SPONTANEITY

unleash the diva in me and let the curlers talk

sagot sa depression November 5, 2007

Filed under: blog layp, i heart my prends, pingbacks*tags*atbp — jojie @ 4:15 pm

Ilang araw na akong depress dahil hindi ko alam kung paano kumpunihin ang bahay ko. Akala ko dati hindi ko iindahin ang mga ganitong bagay. Aba naman dugo at pawis yata ang puhunan sa dot com, hindi lang ito basta kapritso kaya ako nagngunguyngoy ng ganito may purpose kung bakit ko gustong maging self-hosted, para ito sa ekonomiya ng Pilipinas. Charing!!! Para sa ekonomiya ng bulsa ko actually. Ayoko din siyempre mabalewala ang lahat ng tulong na ibinigay sa akin ng mga mabubuting nilalang.

Dumaan ang Halloween Season pero hindi ako nakapagconcentrrate sa pagbu-beauty rest dahil lagi kong naiisip ang bahay kong naging haunted. Pink pa naman yun, baka pagbalik sa akin nun kulay agiw na. Oh well… Hanggang ngayon malungkot pa din ako. OA na kung OA. Ni hindi ako makapagikot sa blogroll ko dahil baka masalamin nila ang lungkot, pait, hapdi at hirap ng aking kalagayan galore. Ayokong kaawaan ako… Ayoko ng masikip… Ayoko ng madumi… *pansamantalang sumanib si Maricel Soraiano*

Pero kailangan magpatuloy, mapanis man ang bahay ko hindi ko hahayaang mapanis ang kadivahan ko. Kaya gagawin kong makabuluhan ang entry na ito, sa pamamagitan ng pagsagot sa… TAG.

Tinag ako ni Malen at Kath. Salamat sa toolbar ni Mareng Jeangr3y na may kasamang RSS feeds ng mga blog nila at nasightsiva ko na may tagarloo ako.

Unahin ko muna ang tag ni Mareng Malen My Angel.

Napapanahon para sa akin ang tag na ito, lalo na minsan at pakiramdam ko nababawasan ang 3fans ko tamang-tamang maalala itong mga nilalang na nakapag-inspire sa’kin para magblog/sumulat at maging bahagi ng sanblogospheran. Gusto ko silang pasalamatan pero hindi daw pwede baka mademanda ako, echos!

1. A DIVA LIKE ME~ Matagal ng na tumigil mag-blog itong kumara kong ito dahil sa hindi na kinakaya ng diva powers niya na imported ang mag-blog pa! Ganun siya kangarag. Una siya sa listahan ko kasi siya naman talaga ang major influence kung bakit ako isinilang sa sanblogospheran. Idol ko ‘to pagdating sa randomness at pagiging spontaneous sa pagsusulat. Sobra kong pinasasalamatan ang lakas ng loob at kumpiyansang naibahagi niya sa’kin. Blogging could do shit to your confidence sometimes, pero iniisip ko na lang ang unang komentong natanggap ko sa kanya sa unang entry ko noon:

“jie, you know that im one of your most loyal fans. dont worry, kahit sobrang drama mo nga minsan natatawa na ko.if they find this boring and they’re reading your blog in their own volition, they’re dummies.”

2. MY FAVORITE CRITIC~ Taas ang kamay ko sa babaeng ito, kahit paa ko itataas ko na din. Kung meron man akong pang-ookray na tatanggapin ko ng buong puso, kaluluwa, atay at balun-balunan, dito na sa taong ito. Masaya akong nakumbinsi ko siyang mag-blog kahit hindi na siya madalas makapag-update, kasi alam kong writing is her passion. Jebs lang ako kung ikukumpara sa talent niya sa pagsusulat. Hindi ko makakalimutan yung mga oras na feeling ko puro crap lang ang kaya kong isulat saka naman siya babanat:

“Ok ‘tong sinulat mo a! May potential… Tuloy mo lang.”

Sino naman ako para hindi maniwala lalo na sa kagaya niyang may tunay na talent.

3. MY ULTIMATE FAN~ Aminado siyang walang talent sa writing, pero para sa’kin MERON. Isa lang ang blog entry na nagawa niya sa tanang buhay niya at tungkol pa yun sa frustrations niya. Hindi siya aware na may potential din siya samahan lang ng konting interes. Number 1 fan ko siya kahit hindi ko pagbantaan at suhulan.

4. MS. SIMPLICITY~ Hindi na mawawala sa blogroll ko itong sis kong ito. Galing akong friendster blog na naglipat sa blogger at sobrang nangangapa kung may kalulugaran ba ako sa blogworld noong mga panahong napadaan ako sa bahay ng lukaret na ito. Hindi ko mapigilang mahawa sa bawat halakhak niya. Napaka-simple at totoo at hindi nagdalawang isip na i-welcome ako ang tanggapin ang ino-offer kong friendship. Lumipat akong WP sinamahan niya ako, ngayong nagpipilit akong maging dot com andito pa din siya. Sapat na ang kagaya niya para masabi kong may stalker ako, charing! Lab ko ‘tong lukaret na’to.

5. MY FOLLOWER-SLASH-AMIGA~ I am so proud sa laki ng improvement niya mula ng mag-start siyang mag-blog. Hindi lang siya aware na may talent siya, most of the times kasi nawawalan siya ng pananampalataya sa sarili niya. Ang gusto ko sa taong ito nakikinig. Naiinspire ako mag-blog ng mag-blog dahil sa consistent niyang pagtatanong kung may bago ba akong entry. Nakakataba ng puso na may nag-aabang ng itatalak ko may kapararakan man o wala.

6. MY FAIRYGOD BLOGERA~ Dito ako magpapa-autograph! Idol ko talaga etong si ate. Kahit kalian hindi ito pumapalyang patawanin, pangitiin at kilitiin ako. Gusto ko ang paraan niya kumunekta sa readers niya, parang nagtatalakan lang sa bahay pag walang magandang palabas sa TV. Sa kanya bagay ang title na “Elite”. Winelcome niya din ako dito sa blogosphere na parang matagal na akong blogger. Eto secret lang ha, pero share ko na’din. Muntik nakong majingle nung tawagin niya akong ‘nak’.

7. KADUGO, KADUGO, KA-APPENDIX AT KAKULAY~ Lab na lab ko itong babaeng ito. Bukod sa super lerky na blogera kagaya ko. She never fails to brighten my days lalo na sa mga hirit nito. A loyal reader ang a friend at the same time. Siya ang isa sa magandang bunga ng pagba-blog ko. I never imagined at one point in time makakakilala ako ng gaya niya. Pag nag iba ako ng sexual preference siya talaga ang liligawan ko, echos!!!

Dadating ang oras na mairereveal ko din ang mga katauhan ng pitong yan, para naman alam nila na nainspire, naiinspire at patuloy nila akong iniinspire.

Para naman sa tagarloo ni kafatid na Kath. Type ko itong namesung chovarloo na tag na ito kaya simulan ko na.

  • YOUR ROCK STAR NAME: (first pet & current car) PUPPY WIT [pwede… lol! Nga pala wit means wala]
  • YOUR GANGSTA NAME: (fave ice cream flavor, favorite cookie) ROCKY ROAD OREO [astttiiigggg!!!!]
  • YOUR “FLY Guy/Girl” NAME: (first initial of first name, first three letters of your last name) MREG [ano itech?!]
  • YOUR DETECTIVE NAME: (favorite color, favorite animal) PURPLE DOG [kikay! Lol!]
  • YOUR SOAP OPERA NAME: (middle name, city where you were born) DIONGCO NAGCARLAN [amp! Tunog katulong sa soap opera e!]
  • YOUR STAR WARS NAME: (the first 3 letters of your last name, first 2 letters of your first) REGMA [pwede na!]
  • SUPERHERO NAME (”The” + 2nd favorite color, favorite drink) THE PINK COKE [wahahaha! Tagapagtanggol ng mga adik sa sopisdrink]
  • NASCAR NAME: (the first names of your grandfathers) LUCIANO RUFINO [anluma!]
  • STRIPPER NAME: (the name of your favorite perfume/cologne/scent, favorite candy) ESCADA STORK [parang kalye. Lol!]
  • WITNESS PROTECTION NAME: (mother’s & father’s middle names) REYNOSO LORIA [
  • TV WEATHER ANCHOR NAME: (Your 5th grade teacher’s last name, a major city that starts with the same letter) LOYOLA LEGAZPI [uuuyyy.. legazpi]
  • SPY NAME/BOND GIRL: (your favorite season/holiday, flowers) HOLY WEEK ROSE [nyak!}
  • CARTOON NAME: (favorite fruit, article of clothing you’re wearing right now + “ie” or “y”) APPLE UNIFORMIE [lol! Coling coling Disney!]
  • HIPPY NAME: (What you ate for breakfast, your favorite tree) COFFEE WIT
  • YOUR ROCKSTAR ENTOURAGE NAME: (”The” + Your fave hobby/craft, fave weather element + “Tour”) THE CHISMAX SUMMER TOUR [wtf?! Lol!]
  • YOUR PORN NAME: (First Pet + Name of street you grew up on) PUPPY IPIL [sira ang career! Lol]

Nakakalerky! At least may nagawa naman akong makabluhan kesa magnguyngoy. Wala akong itatag, bahagi pa din ng pagrerebelde ko.

 

19 Responses to “sagot sa depression”

  1. kengkay Says:

    mabuhay ka, jojie… wak ka na malungkot. am sure maayos din ang iyong ebahay.

    talak ni jojie:

    nakakawala din kaya ng depression ang german sausages.. wahihihi.. ay lab yu ate kengks.

  2. Rhapsody Says:

    sistah ni-tag kita!!!

    konting butingting lang jan maayos na din yang new haus mo ;)

    talak ni jojie:

    salamat sa supot support sis. :D uy yung isa mong tag wet muna ha. ;)

  3. S3lv0 Says:

    that’s the spirit marekoy. alam kong mahirap minsan lunukin pag ang pinaghirapan mo ay biglang naunsyami ng di mo naiintindihan kadahilanan. Pero DIVA ka eh (all caps talaga) walang divang di kaya ipagpag ang mga lungkot at hapdi na pansamantala. isipin mo na lang na pagsubok lang ito at sinusukat lang kung hanggang ang kaya mong tanggapin. Diva kawalang di kaya ng mga powers mo. Ano pa ang inaantay mo? isuot na ang mga blue curlers and blog on!

    chika tayo ulit ha hehehe

    talak ni jojie:

    tama ka parekoy! pagsuvok lamang ito. :D chikahan ulit tayo ever… hehehe..

  4. pao Says:

    hello puppy ipil. i’m your number one fan. CHAROS! hahaha.

    talak ni jojie:

    paoooooo!!!!! hay lab yu na.. :lol:

  5. chuvaness Says:

    jojitaah! wabyu mare. maaayos din yang domain mo. pramis. fan ako ng blog mo…sobra…my day is not complete ng di ka na vi-visit

    talak ni jojie:

    marrrreeee!!!! lika dali may bubulong ako sayo. hihihihi..

  6. JeanGrey Says:

    wak u alala puppy wit maaayos din yang blog mo konting tiis pa :)

    talak ni jojie:

    kung meron akong malen my angel.. ikaw naman si jean my savior.. :D

  7. MARU Says:

    huy! huy! huy! sana lagi kang depress! at sana lagi kang malungkot! nakaka-lerky ka kung malungkot kasi namimigay ka ng BIGMAC!!! maraming salamat sa pagkain na bigay mo, jojiepie! aylabyu! sana more depression to come! bwahahaha! joke lang. :lol:

    bangon hija! bangon!

    talak ni jojie:

    minsan ng ginamot ng BIGMAC ang depression ko try ko naman ang BIGMAC mo goddess, pag hindi umepekto pwede ba mag-refund? :lol:

  8. S3lv0 Says:

    pinangalanan mong Puppy ang pet mo? knowing u may hinala akong kitten sya. MREG???? me regl4? hehehe ESCADA STORK parang name ng hubadera (ng curlers). COFFEE WIT depressed ka nga lumalamon ka na ng kape sa umaga hay lord!

    talak ni jojie:

    try mo parekoy ang lumamon ng kape para kabahan ka. nyahahahaha!

    Aso talaga si puppy, ang cute diba ang laki na niya puppy pa din. wahahaha..

  9. S3lv0 Says:

    PUPPY IPIL: ang pakner ng porn king na si LONG KAMAGONG on the classic porn film entitled A NIGHT ON DA NARRA

    talak ni jojie:

    para namang hindi porn film, parang horror ang tunog ng title. :lol:

  10. repah Says:

    ganyan talaga pag maxado mong kinukulot ang buhok mo… nakakadepressed!!

    talak ni jojie:

    hi repah! :D san address mo dear? para maresbakan kita.. hahahaha!

  11. A Z R A E L Says:

    walang tinag kase nagrerebelde wahahahaha!

    diva, ganyan tlaga buhay. minsan depressing ang mga pangyayari. pero hindi yan permanente. lilipas din yan! find reasons to smile. if u cant, just think of us, ur readers that smile everytime u write something funny..

    isang milyong tao napapatawa mo o di ba? enough reason for u to smile at us back. cheers! have a good day! :D

    talak ni jojie:

    diva man… nangangarag din. nyahahaha! tenchu pards!

  12. Maldito Says:

    oklang yun wui…walang bahay na indi maaayus…pwera nalag puno na ng anay..concrete naman ang bahay mo di ba?hehhee.

    talak ni jojie:

    concrete naman… nyahahaha!

  13. Lavern Says:

    O eto sana kayanin mo! Ako ay hindi mo number 1 fan! kundi Number .5 fan mo! bwahahaha. anong say mo? Oist, wait ko yang scandal mo ha hahahaha. Cheers Jojits!

    talak ni jojie:

    di mo man lang ginawang .75! hmpt! hahahaha..

    uy! nagawa ko na ang scandal. ;)

  14. tim ang Says:

    kaya mo yan!
    diva ka, di ba?
    tutulungan ka pa ng curlers mo.

    talak ni jojie:

    nasa curlers ko ba talaga ang totoong powers ko? nyahahaha!

  15. Kiko Matsing Says:

    Maaayos din ‘yan ms. puppy ipil,oops! Ms. DIVA pala! Hehehe! Basta ako lagi pa ring nag-aabang sa mga bagong kadivahang entries mo! :)

    talak ni jojie:

    salamat pareng kiks. isang crispy pata nga diyan! :lol:

  16. Richard Says:

    DIONGCO NAGCARLAN <— parang isa ka sa mga tauhan ng pangunahing kalaban…

    “Dionco! Iligpit silang lahat! Har! Har! Har! Har!”

    “Ikaw ba si Diongco Nagcarlan? Sumama ka sa amin sa presinto”

    Hayup na hayup sa dating! :D

    talak ni jojie:

    wahahahahaha! panalo! goons na goons.. teka.. ako pala yun. :lol:

  17. menggay Says:

    ajax !! ay mali AJAA!!! pala hihihih miss puppy ipil este ateng kaya mo YAN!! :)

    gogogo!!!! bangon blue curlers!!!

    talak ni jojie:

    ajax ka diyan! sampal gusto mo?! hahaha!

  18. antuken Says:

    hinihintay ko nga maayos ang bahay mo. nga pala, re: sa email, wag alalahanin. libre lang din yun. meron din nga ako hp6 pero di ko na makita sa baul ko e, kaya hp7 na lang na-send ko. calamba ka nga pala. wanna mit sometime? canlubang ako nagwo-work eh. pero batangas ang aking tinatawag na home. next year calambeña na rin ako. :)

    talak ni jojie:

    EB! EB! EB! nyahahaha! uy dito lang ako sa may parian nagtrabaho. ;)

  19. antuken Says:

    haay. antrafik jan sobra! ako’y isang factory worker dito sa canlubang. ;)

    talak ni jojie:

    yung isang opismeyt ko taga Canlubang din. :D

Leave a Reply