missing manong September 15, 2007
Sobrang nami-miss ko si manong ko lately. May mga oras pa nga na natutulala ako kakaisip lang sa pinakmamahal kong jowawits. Mahirap talaga ang long distance relationship, para kang nasa roller coaster ride. One moment sobrang saya pag may mga pagkakataong nakakapag-usap at binabawi ang mga araw ng pangungulila. May panahong sobrang lungkot, yun yung mga pagkakataong hindi man lang namin makumusta ang isa’t-isa.
Walang kasiguraduhan ang long distance relationship, pero dahil sugarela ako I have the courage para pasukin ito. Ganun talaga pag nagmahal ka. O ang emo ko na naman. E kasi naman ang entry na ito ay para kay manong ko, siyempre punong-puno at umaapaw ng emosyon, tagos hanggang buto. Dito man lang sa blog ko ay mairaos [uy!] ko ang pangungulila ko kay manong, the man that colored my life.
I want to share some trivias about him. I’m sure ang iba sa inyo ay curious of what he is like.
TEN THINGS ABOUT JOJIE’S MANONG
- Tsinoy. I call him bebesingkit at bebeintsik. Binibiro ko nga siya na pag nagkaanak kami baka maging kirat. Malaki kasi mata ko tapos siya singkit, yung kaliwa makuha sa kanya tapos yung kanan sa’kin.
- Isang dakilang nars. The best nurse in the whole wide world.
- Pag sobrang stressed-out si manong at depressed nagkakalagnat. Pag nangyayari yun natataranta na’ko at gusto kong giyerahin ang mga taong may kinalaman sa stress at depression niya, pero pag ako yun hindi ko naman magegiyera ang sarili ko no.
- Addict sa PC games. May sariling ng mundo pag masyadong engrossed sa nilalaro niya sa PC.
- Matakaw kagaya ko.
- Musician by heart. Marunong mag-flute, keyboard at gitara, pwede na kaming mamalimos sa Quiapo, ako ang taga-kanta.
- Mukhang suplado. May sungit-look si manong, pag di mo siya knows matatakot ka lapitan.
- Family man. Soon to be the daddy of my kids.
- Madaming nunal at hindi ko sasabihin kung saan-saan yung mga yun.
- Madaming experiences sa mga supernatural beings. Madalas ako kwentuhan nito e, kasi alam niyang duwag ako tuwang-tuwa at parang kinikiliti sa pwet pag inis na inis na’ko at ayaw pa niyang tumigil sa kakakwento.
Sampu lang yan sa madaming bagay tungkol kay manong ko. Ang pinaka-adorable na nilalang para sa’kin. Kayang-kaya niyang pag-somersault-in ang heart ko. Obvious ba na may mga puso sa mata ko pag si manong na ang pinag-uusapan?
Konting tiis na lang, at malapit na matupad ang pinakamimithi-mithi naming pangarap, at pag nangyari yun… Magpapaparty ako sa WPP family ko, echos! Sadyang mapagbiro lang ako hane.















oh manong
JOJITAH!
nakakainis tong entry na to kase nakakainggit!!! hahahah….seryosly, i’m happy for you kase ang swit nyo ni manong at mukhang labs ka nya talaga! dahil IDOL kita…MANOY AT MANAY ang gagawin kong term of endearment namin ni SIR. parang ansagwa no?
stay hapi. manong ilabyu! pa-kiss. joke lang jojitah!
[...] Sir ng Buhay Ko Na-inspire (aka, nainggit) ako kay Jojietah about her MANONG…kaya I decided to write something about SIR — sa mga hinde [...]
hay kafatid parehas tayo ng sitwasyon, nasa isang long distance relationship
din kasi ako, hay ang hirap no? kaya nga uwing uwi na ako.
xiao!
Family man. Soon to be the daddy of my kids.
how soon??? hehehehehe…
Ang sweet naman! Buti na lang mas marami nang means of communication kahit magkalayo kayo(phone,internet,snail mail, telephaty! hehe). Di bale, tiis lang ng konti,sigurado naman pag nagkita kayo super happy na kayo pareho.
ang sweet naman! pwede bang makimanong na rin? hehehe
mag-manong na rin kaya ako? wala na si manang e… hehehe sa mga wala pang manang jan.. *ahem ahem* joke lang =P
No wori di ka nag iisa ….kapanalig mo ako sa bagay n yan…huhuhu 1 month pa lang kmi kasal ni Papa fly agad sya pabalik sa pinanggalingan nya…kung meron nga lang samahan ng mga tigang ay mega join ako dun…pero ok lang di nmn nagkukulang ang Papa ko sa paghaplos sa puso ko….nakzzz…gudluk sa inyo ni Manong mo Manang…hehehe
Usapang Manoy hehehe… naks senti mode ang marekoy ko simtomas yan nagkatigang marekoy. Ipunin mo na lang ang lahat ng miss mong yan saka mo ibuhos pagdating nya… sigurado akong 2 linggong catatonic yun pag uwi.
Swerte rin ang Manoy na yan anesh… halatang mahal na mahal mo ng lubusan. Sabihin mo lang marekoy kelan ang dating sagot ko ang isang kaing na balot.
LOLZ @ jojie dapat manong yun e para maiba naman. =P nyakz di ko pa natatry heheheheh
Ramdam na ramdam ko ang iyong pangungulila my deArest ateng jojitah…
Konting tiis na lang sabi nga ni kuya selvo ipunin mo muna yan at ilabas pagdating nya… hehehe
Balitaan mo ko pag dating nya at parang gusto ko makihati sa kaing kaing na balot ni kuya selvo..